MANILA, Philippines - Kakasuhan ng libelo at disbarment case sa Korte Suprema ni retired Supreme Court Associate Justice Dante Tinga si Senador Alan Peter Cayetano at asawa nitong si Congresswoman Laarni Cayetano dahil sa umanoy pagpupursige ng mga itong ireklamo siya sa Ombudsman dahil sa land grabbing noong kongresista pa lamang siya.
Ayon kay Tinga, ginagamit umano ng mag-asawang Cayetano ang kanilang propesyon bilang abogado sa pagpupursige ng kasong graft na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Jovito Olazo sa Office of the Ombudsman upang sirain ang kanyang reputasyon.
Matatandaan na kinasuhan ni Olazo si Tinga ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang pilitin at impluwensyahan nito ang kanyang ama na si Miguel Olaza na ibenta ang kanilang lupa na may sukat na 5,000 sqm sa Barangay Lower Bicutan, Taguig.
Mariing pinabulaanan din ni Tinga ang mga akusasyon.