^

Bansa

Cayetano kakasuhan

-

MANILA, Philippines - Kakasuhan ng libelo at disbarment case sa Korte Suprema ni retired Supreme Court Associate Justice Dante Tinga si Senador Alan Peter Cayetano at asawa nitong si Congresswoman Laarni Cayetano dahil sa umanoy pagpupursige ng mga itong ireklamo siya sa Ombudsman dahil sa land grabbing noong kongresista pa lamang siya.

Ayon kay Tinga, ginagamit umano ng mag-asawang Cayetano ang kanilang propesyon  bilang abogado sa pagpupursige ng kasong graft  na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Jovito Olazo sa Office of the Ombudsman upang sirain ang kanyang reputasyon.

Matatandaan na kinasuhan ni Olazo si Tinga ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang pilitin at impluwensyahan  nito ang kanyang ama na si Miguel Olaza na ibenta ang kanilang lupa na may sukat na 5,000 sqm sa Barangay Lower Bicutan, Taguig.

Mariing pinabulaanan din ni Tinga ang mga akusasyon.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BARANGAY LOWER BICUTAN

CONGRESSWOMAN LAARNI CAYETANO

JOVITO OLAZO

KORTE SUPREMA

MIGUEL OLAZA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

REPUBLIC ACT

SENADOR ALAN PETER CAYETANO

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE DANTE TINGA

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with