^

Bansa

Hacienda Araneta ni Roxas ibinuking

-

MANILA, Philippines - Kung may Hacienda Luisita si Senador Noynoy C. Aquino, mayroon namang Hacienda Araneta sa Rizal ang running mate nitong si Senador Mar Roxas.

Hiniling ng may 100 te- nant families sa Barangay Mascap, Rodriguez, Rizal  kay  Roxas at sa Korte Suprema na matulungan silang makuha na ang lupang pinag­yayaman nila  sa ilalim ng agrarian reform program.

Ang mga magsasaka na pinangungunahan ni Ginoong  Vicente Rarallo kasama sina  Eduardo Pamitan at Artemio Gonzales ay patuloy na nakikipaglaban ng may 38 taon na mula 1972  para mapasakanila na ang  1,645 ektaryang lupa na pagmamay-ari ng pamilya ng nanay ni Roxas na si Judy na matagal nang nai­deklarang nasa ilalim ng land reform noong Hunyo 15, 1988.

Iginiit din ng mga magsasaka na kung talagang para siya (Roxas) sa taumbayan, kukumbinsihin niya ang kanyang pamilya na maibigay na sa mga benepisyaryo ang naturang sakahan.

Ang pamilyang Roxas ay nagmamay-ari ng  510-hectares na lupa sa  San Mateo, Rizal, ang da­ting mill sites sa Bacolod Murcia at Talisay Silay sa loob at labas ng Bacolod City at sa  35-hectare na  Mag­sungay land at major property malapit sa bagong international airport sa  Silay City. (Butch Quejada)

ARTEMIO GONZALES

BACOLOD CITY

BACOLOD MURCIA

BARANGAY MASCAP

BUTCH QUEJADA

EDUARDO PAMITAN

HACIENDA ARANETA

RIZAL

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with