^

Bansa

Tarlac buhos kay Teodoro

-

MANILA, Philippines - Samantala, libu-libong mga taga-Tarlac ang pansamantalang iniwan ang kanilang mga pinagkakaabalahan at bumuhos at nakipagsiksikan sa mga kalye, palengke, paaralan at iba pang lugar para salubungin ang kanilang “hometown hero” na si Gibo Teodoro.

Sa gitna ng pagbaha ng mga confetti na berde at mga nakakabinging pagbubunyi para kay Teodoro, ipinakita ng mga Tarlaqueno ang kanilang buong pagsuporta sa kanya. Binisita ni Gibo ang halos lahat ng bayan sa Tarlac, kasama ang Tarlac City, Sta. Ignacio, Camiling at Paniqui.

“Ang Tarlac ay 100% sumusuporta kay Gibo kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi sa surveys,” ani Tarlac Gov. Bogs Aganon. “Mahal na mahal siya ng Tarlaceño kasi maganda ang pinakita niyang panunungkulan, makatao, malinis ang track record, at siya ang tunay na maka-masa.”

Ayon kay Mike Toledo, tagapagsalita ni Teodoro, ang dominasyon ng partidong Lakas-Kampi-CMD sa halalang lokal ang siyang maghahatid ng tagumpay kay Gibo kasama na ng malakas na suporta niya sa hanay ng mga kabataan na bumubuo sa mayorya ng mga botante ngayong taon. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANG TARLAC

BOGS AGANON

GIBO

GIBO TEODORO

MIKE TOLEDO

RUDY ANDAL

TARLAC

TARLAC CITY

TARLAC GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with