Siniguro ni Gov. Garcia, 'Cebu kay Gibo pa rin'

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. ang sinusuportahan ng majority ng mga mayors sa vote-rich na lalawigan.

Ginawa ni Gov. Garcia ang paniniguro kay Gibo sa gitna ng pagsuporta ni dating Cebu City Mayor Alvin Garcia at kanyang Kugi Uswag Sugbu Party na kinabi­bi­langan din ng ilang kongresista kay Nacionalista Party presidential bet Manuel Villar Jr.

Ayon kay Gibo, upang ipakita na mayorya pa rin ng local officials ng Cebu ang sumusuporta sa kanya ay natakda niyang pangunahan ang proclamation rally ng Lakas sa Cebu sa araw na ito.

Bukod kay Garcia, 51 gobernador din ang todo-suporta kay Gibo para sa May 10 elections na patunay na solido pa din ang Lakas-Kampi-CMD members sa kanyang presidential bid.

Siniguro din ni Gov. Garcia na ang “One Cebu” ay solidong sumusuporta pa rin sa pinaka-kwalipikadong presidential candidate na si Teodoro. (Rudy Andal)

Show comments