^

Bansa

NCR nanguna sa BI job employment visa

-

MANILA, Philippines - Residente ng Metro Manila ang karamihan ng Pinoy workers na kinuhang manggagawa ng dayu­hang nabigyan ng indefinite stay sa Pilipinas mata­pos mag-avail ng special visa for employment gene­ration (SVEG) na ibinibigay ng Bureau of Immigration (BI).

Sa kanyang ulat kay BI Commissioner Marcelino Libanan, sinabi ni BI legal officer Cris Villalobos na halos 20,000 Metro Mani­lans ang naka-empleyo sa 126 foreign businessmen at 86 dependents na nag-avail ng SVEG.

Ipinarating din ni Villa­lobos, pinuno ng BI-SVEG one stop shop, na kumita rin ang gobyerno ng ma­higit P5 million mula sa 485 foreigners at dependents na kumuha ng nasabing visa.

Nagsimula ang BI na ipatupad ang SVEG noong April 2009, o apat na buwan matapos pirmahan ni Pangulong Arroyo ang executive order na nagbi­bigay ng indefinite stay sa mga dayuhan at dependents na may investment sa business enterprises na nag-e-empleyo ng sampu o higit pang regular at full-time Filipino workers.

Ang SVEG ay inilunsad ng gobyerno para maka­akit ng foreign investors sa bansa at makalikha ng tra­baho para sa mga Pilipino. (Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

CRIS VILLALOBOS

IPINARATING

METRO MANI

METRO MANILA

NAGSIMULA

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with