^

Bansa

Simbahan tutol sa pagpapapako sa krus

-

MANILA, Philippines - Tutol ang Simbahang Katoliko sa isinasagawang taunang pagpapapako sa Krus ng ilang deboto sa San Pedro, San Fernando, Pampanga.

Sinabi ni San Fernando, Pampanga Auxiliary Bishop Pablo David, kahit pa humahakot ng libu-libong turista taun-taon ang nasabing aktibidad, wala naman itong magandang naidudulot sa turo ng simbahan.

Ayon sa Obispo, kung sila ang tatanungin ay mas nais nilang tuluyan nang itigil ang taunang pagpapapako sa Krus ng mga deboto, na tinatawag nilang “Cutud”.

Sinabi ni Father Arnulfo Serrano, parish priest ng Santo Niño parish sa Pampanga, hindi nakikilahok ang kanilang Parokya sa pagdaraos ng “Cutud” dahil mahigpit ang pagtutol nila dito.

Idinagdag ni Serrano na hindi naman nila mapag­bawalan ang kanilang mga parokyano na nais magpa­pako sa krus dahil wala namang parusang ipinapataw ang Simbahan sa mga taong nakikilahok dito.

Una nang pinagbawalan ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang mga dayuhan na makilahok sa aktibidad at magpapako rin sa Krus.

Maari na lamang umanong magtungo doon ang mga dayuhan para manood ng Cutud subalit hindi na sila papayagang magpapako. (Mer Layson)

CUTUD

FATHER ARNULFO SERRANO

KRUS

MER LAYSON

PAMPANGA

PAMPANGA AUXILIARY BISHOP PABLO DAVID

SAN FERNANDO

SAN PEDRO

SANTO NI

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with