Dialogue walang linaw

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga manggagawa ang pahayag ni Philippine Ports Authority General Manager Oscar M. Sevilla na tinanggihan ng mga labor group ang lahat ng mga alok na pakikipag-ayos ng gobyerno.

Sa pagpupunto ng Alliance of Port/Transport Workers and Partners-North Harbor, ang dialogue noong Marso 8 ay hindi pa umano nagkaroon ng malinaw na resulta.

Nilinaw ni Carling Nicol na siyang vice president ng APTWP-NH na ang hanay ng mga manggagawa ay   naninindigan sa selling proposal na 200% per year of service dahil ito ang tamang computation para sa past services benefits na kontra naman sa iniaalok ng PPA na 100% lamang.

Aniya, kung makamanggagawa ang alok ng PPA ay hindi kailanman tatanggi ang labor group subalit ang settlement offer ng gobyerno ay taliwas at hindi akma sa benepisyong dapat na matamasa ng mga manggagawa.

Show comments