^

Bansa

Pinay kinatay sa Singapore

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Patay ang isang Pinay sa Singapore ma­ta­pos na pagsasaksakin ng hindi pa kilalang salarin.

Kinumpirma ni Foreign Affairs spokesman Ed Malaya base sa report ng Embahada ng Pili­pinas sa Singapore, ang pagkasawi ni Rosalyn Pascua, 30, ng Peony Mansion sa Ben­coolen St., Singapore na na­tag­puang tadtad ng saksak sa iba’t bang parte ng katawan noong Marso 15.

Ayon kay Charge d’ Affaires Nathaniel Imperial, kasalukuyan pang isina­sa­ilalim sa awtop­siya ang mga labi ng Pinay. Nakiki­pag-ugna­yan na rin ang Emba­hada sa Coroner’s Inquiry hinggil sa kaso ni Pascua upang malaman ang sanhi ng pagpatay at kung sino ang respon­sable dito.

Tiniyak ng Singapore Police na isang kaso ng “unnatural death” ang naga­nap kay Pascua.

Siniguro naman ng DFA na magbibigay sila ng tulong sa pamilya ng pina­tay na Pinay at sa agarang pagpapauwi sa mga labi nito sa Pilipinas.

AFFAIRES NATHANIEL IMPERIAL

AYON

ED MALAYA

FOREIGN AFFAIRS

PASCUA

PEONY MANSION

PINAY

ROSALYN PASCUA

SHY

SINGAPORE POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with