Ex-DBM chief pumanaw

MANILA, Philippines - Binawian na ng buhay kahapon ng hapon si dating Budget Secretary Emilia Boncodin sa National Kidney Institute dahil sa cardiac arrest sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.   

Ganap na alas-2:00 ng hapon nang malagutan ng hininga si Boncodin sa naturang institusyon kung saan ito isinasailalim sa dialysis.    

Si Boncodin ay naitalaga bilang assistant secretary at kalaunan ay naging undersecretary ng DBM noong 1991 sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. (Ricky Tulipat)

Show comments