^

Bansa

40 taon na serbisyo-publiko puhunan ni Langit

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Lakas Kampi-CMD senatorial candidate Rey Langit na hindi hadlang sa kaniyang kampanya ang kakulangan ng pondo dahil ang puhunan niya ay ang 40 taon na pagbibigay ng serbisyo-publiko bilang isang “crusading journalist.”

Tiwala ang batikang brodkaster na makakapasok siya sa “Magic 12” bilang kandidato sa pagka-senador ngayong darating na halalan sa kabila ng pagiging baguhan sa larangan ng politika o opisyal ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Langit na ang unti-unting pag-angat ng kaniyang puntos sa mga surveys sa kabila ng kakulangan ng adverstisement ay nangangahulugan lamang na ang mga botante ay naghahangad na ng mga bagong mukha sa pamahalaan.

“ I do not believe in money politics. I represent change and yet I have a solid track record of public service which gives me my political capital,” ayon kay Langit na ang tinutukoy ay ang kaniyang multi-awarded radio program na “ Kasangga Mo Ang Langit” at ang “Biyaheng Langit” na napapakinggan sa DWIZ bukod pa sa kaniyang prog­rama sa telebisyon. Si Langit ay may 10 taon ng nagliling­kod bilang station manager ng DWIZ. (Butch Quejada)

BIYAHENG LANGIT

BUTCH QUEJADA

KASANGGA MO ANG LANGIT

LAKAS KAMPI

LANGIT

REY LANGIT

SI LANGIT

SINABI

TINIYAK

TIWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with