^

Bansa

15 pa naospital, 1 patay sa halo-halo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging maingat sa pagkain ng halo-halo na pinakapatok na pagkaing pampa-presko nga­yong summer season.

Ang babala ay ginawa ni Health Secretary Espe­ranza Cabral kasunod ng pagkamatay ng isang residente at pagkaka-ospital ng 15 pang katao sa lalawigan ng Bicol bunga ng pagkain ng pinaniniwalaang panis na halo-halo.

Ayon kay Cabral, nga­yon panahon ng tag-init ay mabili ang mga ‘summer coolers’ tulad ng halo-halo na nakagawian na ng mga Pinoy kaya dapat lamang na tiyakin ng publiko na malinis ang kanilang bini­biling halo-halo dahil posi­bleng magdulot ito ng pag­ka­ma­tay.

Nagtataglay umano ng mapanganib na bacteria ang mga meryendang tulad nito kung hindi malinis ang pagkakagawa. Dapat ding tiyakin na hindi panis at laging bago araw-araw ang mga sangkap na ginagamit sa paghahanda at pagtitinda nito.

Kasabay nito, umapela ang kalihim sa local government units (LGUs) at health workers sa kanilang hurisdiksiyon na imonitor ang halo-halo vendors upang matiyak na malinis ang kanilang preparasyon at hindi panis ang mga panindang summer snacks na mada­ling mapanis dahil sa init ng panahon. Maging ang mga ordinaryong pagkain din ay mas madaling mapanis sa panahong mainit partikular ang mga nilutong may sarsa tulad ng spaghetti at yung mga half-cooked lamang.

Tuwing tag-init, ina­asa­han na aniya ang mas maikling oras na ma­panis ang mga inihahandang pag­­kain na tinutubuan ng bakterya na makasasama sa ka­­lusugan ng tao.

AYON

BICOL

BINALAAN

CABRAL

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

HALO

HEALTH SECRETARY ESPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with