Taiwan Air Force pinasalamatan ng MECO

MANILA, Philippines - Pormal na pinasa­lamatan ng Manila Economic and Cultural Office ang Taiwan Air Force ma­ta­pos maisakay sa isa nitong helicopter noong Marso 1 ang sugatang ma­rinong Pilipino mula sa barko ng isang Hong Kong-registered vessel sa karagatan ng katimugang bahagi ng Taiwan.

Ang Pilinong marinong si Rolet Formacil, 49, na pinaniniwalaang inatake sa puso habang lulan ng kanyang pinaglilingkurang barko ay dinala sa isang Taiwanese hospital kung saan matapos madayag­nos na may bali ang likod at magamot ay pinabalik na ng Pilipinas nitong Marso 2.

Ang papuri ay ibinigay ni MECO Resident Representative Antonio I. Basilio sa ipinadalang liham nitong Marso 8 sa Chiayi Airbase Seagull Rescue Team matapos ang mata­gumpay na night-time operation para ma-airlift si Formacil na nagsisilbing 2nd engineer sa Hong Kong-registered freighter MV Harotamou na nagla­layag malapit sa Heng­chun sa Katimugang ba­hagi ng Taiwan. Nabatid na may dala-dalang gamit at tools si Formacil nang bigla itong bumagsak at nagrek­lamo na masakit ang likod at pagkaparalisa.

Batay sa ulat ng MECO, naglalayag ang Harutamou sa Nagoya, Japan patu­ngong Singapore nang ma­ganap ang aksidente na naging dahilan para humi­ngi ng saklolo ang kapitan nito sa otoridad ng Taiwan para sa kinakailangang emergency medical assistance.

Show comments