Taiwan Air Force pinasalamatan ng MECO
MANILA, Philippines - Pormal na pinasalamatan ng Manila Economic and Cultural Office ang Taiwan Air Force matapos maisakay sa isa nitong helicopter noong Marso 1 ang sugatang marinong Pilipino mula sa barko ng isang Hong Kong-registered vessel sa karagatan ng katimugang bahagi ng Taiwan.
Ang Pilinong marinong si Rolet Formacil, 49, na pinaniniwalaang inatake sa puso habang lulan ng kanyang pinaglilingkurang barko ay dinala sa isang Taiwanese hospital kung saan matapos madayagnos na may bali ang likod at magamot ay pinabalik na ng Pilipinas nitong Marso 2.
Ang papuri ay ibinigay ni MECO Resident Representative Antonio I. Basilio sa ipinadalang liham nitong Marso 8 sa Chiayi Airbase Seagull Rescue Team matapos ang matagumpay na night-time operation para ma-airlift si Formacil na nagsisilbing 2nd engineer sa Hong Kong-registered freighter MV Harotamou na naglalayag malapit sa Hengchun sa Katimugang bahagi ng Taiwan. Nabatid na may dala-dalang gamit at tools si Formacil nang bigla itong bumagsak at nagreklamo na masakit ang likod at pagkaparalisa.
Batay sa ulat ng MECO, naglalayag ang Harutamou sa Nagoya, Japan patungong Singapore nang maganap ang aksidente na naging dahilan para humingi ng saklolo ang kapitan nito sa otoridad ng Taiwan para sa kinakailangang emergency medical assistance.
- Latest
- Trending