MANILA, Philippines - Ilang biktima ng mga nagdaang sunog sa Maynila ang nagrereklamo na wala umano silang natatanggap na tulong mula sa pamahalaang-lokal ng lunsod mula nang mawalan sila ng bahay.
Ayon kay Joseph Tawasil ng 2258 Int. 25 Leveriza St., Malate Maynila na kabilang sa nasunugan ng bahay, mayroon ding ibang mga kandidatong pulitiko ang nagbibigay sa kanila ng mga konting delata subalit kulang pa ito kaya hini hintay nilang mag-aabot sa kanila ng tulong ang mga opisyal ng pamahalaang-lunsod ng Maynila.
Iginiit pa niya na wala silang nakikitang nagkalat na poster o polyeto na nagbababala ng pag-iingat sa sunog lalo na ngayong fire prevention month.
Matatandaan na apat na magkakasunod na sunog ang naganap sa Samar St., Sampaloc; isang squatters area sa Magin hawa St. malapit sa De La Salle University; Leveriza; Capulong St., Tondo at sa Roman st. panulukan ng Claro M. Recto St..
Hiling ni Tawasil na kumilos sana si Manila Mayor Alfredo Lim lalo ngayon dahil wala umano silang matirhan at bigyan sana sila ng pansamantalang matutuluyan.