^

Bansa

Mistah ni Bangit, bagong Army Chief

-

MANILA, Philippines - Nahirang na Army Chief ang anti-coup unit Commander ni Pangulong Arroyo na si AFP-National Capital­ Region Command Chief Major General Mapagu.

Si Mapagu, mistah ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Delfin Bangit sa PMA Class 1978, ang ika-52nd Army Chief.

Kinumpirma ni Mapagu na tinawagan siya kahapon ni Bangit at ipinarating sa kaniya na siya ang napili ni Pangulong Arroyo sa hanay ng mga contenders para pumalit sa binakanteng posisyon ng bagong hirang na Chief of Staff.

Si Mapagu ang hepe ng AFP-NCRCOM, ang anti-coup unit ng AFP na nakabase sa Camp Aguinaldo na ang pangunahing tungkulin ay ang pangalagaan ang seguridad ng Malacanang laban sa mga coup plotters. Itinatag ito matapos ang bigong Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003. (Joy Cantos)

ARMY CHIEF

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF LT

DELFIN BANGIT

JOY CANTOS

NATIONAL CAPITAL

PANGULONG ARROYO

REGION COMMAND CHIEF MAJOR GENERAL MAPAGU

SI MAPAGU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with