^

Bansa

Mindanao nasa state of calamity na!

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ka­hapon ni Pangulong Arroyo ang paglalagay sa Mindanao sa ilalim ng state of calamity dahil na rin sa matinding epekto ng El Niño sa rehiyon.

Ayon kay Mindanao Development Authority Chairman Jesus Du­reza, nilagdaan na ng Pa­ngulo ang direktiba kung saan maaari nang i-release ang calamity fund na hindi puwedeng galawin kapag walang deklarasyon ng state of calamity. Ang pondo ay maaring gamitin para sa mga magsasaka at ne­gosyanteng apektado ng tagtuyot.

Samantala, sinabi ni Deputy Presidential Spokes­man Gary Olivar, bagama’t may pagtutol sa mungkahi na magka­roon ng ope­rasyon sa gabi ang mga pabrika sa Mindanao ay ito ang na­kikitang paraan upang malunasan ang kaku­langan sa supply ng kur­yente sa Southern Phi­lip­pines.

Sinabi ni Usec. Olivar, mas mabuting magtra­baho na lamang sila sa gabi kung saan ay mas ka­kaunti ang gumagamit ng kuryente kaysa na­man tuluyang magsara ang kanilang pabrika dahil sa power crisis.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang rotating brownout dahil kapos pa rin sa tubig ang mga dam at kahit mag­karoon ng pag-ulan ay kinaka­ila­ngan pang mag-ipon ng tubig apat hang­gang limang buwan bago bumalik sa normal ang water level.

Sa ngayon ay hindi pa pinal kung paiiralin ang price control sa ilalim ng state of calamity dahil titingnan pa kung may manana­man­talang mga negos­yante sa gitna ng kalamidad.

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKES

EL NI

GARY OLIVAR

INAPRUBAHAN

MINDANAO

MINDANAO DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN JESUS DU

PANGULONG ARROYO

SHY

SOUTHERN PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with