'Morong 43' kulong pa rin
MANILA, Philippines - Mananatili pa rin sa kulungan ang tinaguriang “Morong 43” matapos na ibasura kahapon ng Court of Appeals ang kanilang petition for habeas corpus.
Sa 20 pahinang desisyon ni CA Associate Justice Portia Hormachuelos, sa sandaling masampahan ng kaso sa korte ang isang tao ay hindi na nito maaring kuwestiyunin kapag nakapiit na siya sa pamamagitan ng paghahain ng petition for issuance of a writ of habeas corpus. Hindi umano maaring gamitin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus upang mapalaya sa sandal ing nasampahan na sila ng kaso sa korte.
Ipapaubaya na rin ni Hormachuellos sa Morong Regional Trial Court branch 78 ang pagdetermina sa legalidad ng pag-aresto ng AFP sa 43 health workers.
Ang Korte na rin umano ang bahalang magdesisyon kung ililipat ang mga ito sa Camp Crame.
Inaresto ang Morong 43 noong Pebrero 6, 2010 matapos silang akusahan ng militar na sumasailalim sa training para sa paggawa ng bomba at mga miyembro umano ng New People’s Army. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending