Bagong Cabinet men pinaalalahanan

MANILA, Philippines - Umaasa si senatorial candidate Joey De Venecia na ang bagong talagang mga miyembro ng gabinete ng pangulo ay hindi masabit sa kontrobersiya ng mga midnight deals.

“Dapat maintindihan ng mga bagong Cabinet appointees na ang kanilang tungkulin ay ihanda ang kaukulang transisyon para sa susunod na mahahalal na presidente ng bansa,” sabi pa ni de Venecia.

Sinabi pa niya na inaasahang mamanahin ng susunod na administrasyon ang malaking budget de­ficit at malaking pagkakautang ng bansa sa dayuhan at sa lokal kaya dapat na maging masinop ang mga aalis na department secretaries. (Butch Quejada)

Show comments