^

Bansa

'Sa Diyos lang ako magpapagamit' - Bangit

-

MANILA, Philippines - “Sa Diyos lang ako magpapagamit!”

Ito ang ma-emos­yon na pahayag ng bagong ta­lagang si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Delfin Ba­ngit bilang reaksyon sa mga alegasyong gagamitin ng administrasyon ang huk­bong sandatahan sa pandaraya sa May 2010 elections.

Sa turnover ceremony kahapon sa Camp Agui­naldo, nakiusap si Bangit sa mga kritiko na tantanan na ang pang-i-intriga sa pagtatalaga sa kaniya ni Pangulong Gloria Maca­pagal Arroyo bilang ika-40 Chief of Staff ng AFP kapalit ng nagretirong si ret. Gen. Victor Ibrado.

“Please, please spare your AFP from politics,” ani Bangit upang makapokus sila sa kanilang misyon tulad ng pagtuldok sa communist insurgency sa loob ng ilang buwang nalalabing palugit ng gob­yerno bago bumaba sa puwesto ang punong ehekutibo.

Tiniyak din ni Bangit na poprotektahan ng AFP ang boto ng humigit kumulang sa 50 milyong botante sa bansa tulad ng sarili ni­lang boto sa gaganaping halalan, paiiralin ang de­mokrasya at pagrespeto sa karapatang pantao.

Si Bangit, produkto ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Class1978 ay pormal na iniluklok ka­hapon sa puwesto kung saan nagsilbing panau­hing pandangal si Pangulong Arroyo.

Ginawa ni Bangit ang pahayag upang tuldukan na umano ang mga es­pe­kulasyon ng mga kritiko na may ‘hidden agenda’ umano o mandaraya sa eleksyon ang administrasyon kaya ang heneral ang itinalaga sa puwesto. (Joy Cantos)

BANGIT

CAMP AGUI

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF LT

DELFIN BA

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACA

PHILIPPINE MILITARY ACA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with