^

Bansa

Villar, Noynoy tabla sa SWS!

- Nina Butch Quejada at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Maituturing ng tabla sa unang puwesto ang ra­tings nina Sen. Benigno “Noynoy”Aquino III at Sen. Manny Villar sa pinakabagong survey ng Social Wea­ther Stations (SWS) nitong Pebrero 24-28.

Lumitaw sa survey na may 2,100 respondents sa bansa na nakakuha si Aquino ng 36% kumpara sa 34% ni Villar pero dahil sa 2.2% margin of error, itinuturing na “statistically tie” ang dalawang nangu­ngunang presidentiables.

Hindi gaya ng mga na­­kagawiang survey na inili­lista lamang ang pangalan ng mga kandidato na napipili ng mga respondents, gumamit ng “sample ballot” ang SWS sa tanong na: “Kung ang eleksyon ay gaga­napin ngayon, sino ang pinakamalamang nin­yong ibo­boto bilang Presidente, Bise-Presidente, at mga Se­nador ng Pilipinas. Narito ang listahan ng mga kandidato. Paki-shade o iti­man po ang naaangkop na oval katabi ng pa­ngalan ng taong pinaka malamang ninyong iboboto:”

Ang naturang sistema ng paggamit ng balota sa survey ang siya ring ginamit sa survey ng Manila Standard Today nitong Feb 20-26, at may 2,500 respondents. Sa naturang survey, lumitaw na statistically tie din sina Villar (34%) at Aquino (36%).

Kapuna-puna rin na mula sa inilabas na survey ng SWS noong Disyembre 5, umabot na sa 10 points ang ibinagsak ni Aquino (Dec 5-10, 46%); (Dec27-28, 44%); (Jan 21-24, 42%). 

Samantala kahit nabawasan ng isang puntos si Villar, nanatili pa rin ang pagtaas niya mula noong Disyembre (Dec 5-10, 27%); (Dec 27-28, 33%); (Jan 21-24, 35%).

Nasa pangatlo pa rin si dating pangulong Joseph Estrada, 15%, kasunod si dating Defense sec. Gilbert Teodoro na may 6%, Bro. Eddie Villanueva, 3% at Richard Gordon, 2%. Hindi naman umabot sa isang porsiyento ang iba pang kandidato.

Puna ng political ana­lyst na si Earl G. Parreño, ng Institute for Political and Electoral Reforms, po­sibleng lumalamlam na ang “Cory magic” para kay Aquino, at nananati­ling walang nakakasiguro kung sino ang mananalo sa May 10 polls.

vuukle comment

AQUINO

DISYEMBRE

EARL G

EDDIE VILLANUEVA

GILBERT TEODORO

JAN

JOSEPH ESTRADA

MANILA STANDARD TODAY

MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with