Cabral handa sa condom debate

MANILA, Philippines - Handa na si Health Se­cretary Esperanza Cabral na patulan ang hamon ng Sim­bahang Katoliko na hu­marap sa isang debate sa isyu ng paggamit ng contraceptive partikular sa condom na ginawa umanong malaking isyu ang pamumudmod nito noong Valen­tine’s Day sa Dangwa flo­wer market sa Sampaloc, Maynila.

Gayunman, sinabi ni Ca­bral na dapat maglatag ng rules o guidelines sa debate upang hindi ito umi­kot lamang sa usapin sa mga paniniwalang panrelihiyon dahil naniniwala siya na hin­di naman dapat pagdebatehan ang aspeto ng pa­niniwalang relihiyon dahil may kani-kaniya uma­nong beliefs ang bawat religion.

Nais niyang ilatag ng naghahamong mga obispo ang terms of reference ng debate para maiprisinta niya ang kaniyang argumento.

Kung ang isyu naman umano ng pagiging epektibo ng condom, hindi umano dapat nang pagdebatehan dahil naisapubliko na umano ng scientific jour­nals ng usapin. (Gemma Garcia)

Show comments