MANILA, Philippines - Nagpatupad ng panibagong rigodon sa kanyang Gabinete si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon.
Inanunsiyo niya sa kanyang talumpati sa 2nd Go Negosyo Women Entrepreneurship Summit sa World Trade Center na ang bagong kalihim ng Department of Trade and Industry ay si Department of Education Secretary Jesli Lapus.
Si Lapus ang papalit kay outgoing DTI Secretary Peter Favila na itinalaga naman ng Pangulo sa Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang maging boses at kinatawan ng mga kababaihang negosyante.
Itinalaga naman ng Pangulo si Presidential Assistant for Education Mona Valisno bilang bagong kalihim ng DepEd. (Rudy Andal)