MANILA, Philippines - “Only God can stop me from running, he could do that by making me sick or something else.”
Ito ang makahulugang pahayag ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. na nagsabing Diyos lamang ang makakapigil sa kanyang pagtakbo bilang pangulo at sisikapin niyang matupad ang kanyang pangarap na maging susunod na lider ng bansa.
Ipinaliwanag pa ni Gibo na walang grupo o indibidwal ang lumapit sa kanya upang hikayatin na umatras sa presidential race. Kontento din siya sa nakukuhang suporta mula sa partido gayundin sa mga lider particular mula sa local levels.
Iginiit din ng kanyang runningmate na si Edu Manzano na walang atrasan ang kanilang pagtakbo hanggang sa huling araw ng kampanya hanggang sa mapanalunan nila ang presidential at vice-presidential race. (Rudy Andal)