^

Bansa

Suhulan sa disqualification sa Palawan pinabubusisi

-

MANILA, Philippines - Humingi ng tulong sa Commission on Elections ang abugado ng dalawang prominenteng kandidato sa Palawan para imbestigahan ang umano’y suhulan sa mga disqualification cases.”

Sa kanyang sulat kay Comelec Chairman Jose Melo, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na tignan ang alegasyong mayroong mga taong gumagamit ng mil­yong halaga para makuha ang paborableng desisyon na masigurong madiskwa­lipika ang kanyang mga kliyente.

Ang mga kliyente ni Topacio ay sina incumbent Palawan Governor Joel T. Reyes na tatakbong kongresista sa 2nd district ng Palawan at ang maybahay nito na si Clara “Fems” E. Reyes na tumatakbo namang bise gobernador sa lalawigan.

Ang mga disqualification cases ay isinampa ng mga taong pinaniniwalaang dikit sa isang mayamang pulitiko sa lalawigan.

Isang naunang disqualification case on ground of residency ay naisampa laban kay Congressman Abraham Kahlil B. Mitra, 2nd district ng Palawan, na siyang tumatakbong Gobernador. Ang Comelec first division ay humatol laban kay Mitra na umape­la naman sa naturang de­­sis­yon.

Sinabi ni Topacio na ang ganitong aksyon ng mga taong ito ay isang anyo ng vote-buying sa pinakamataas na antas dahil hindi lang nila binibili ang boto bagkus ay binabaluktot nito ang decision-ma­king processes ng mismong Comelec. (Butch Quejada)

ANG COMELEC

BUTCH QUEJADA

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

CONGRESSMAN ABRAHAM KAHLIL B

FERDINAND TOPACIO

PALAWAN

PALAWAN GOVERNOR JOEL T

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with