^

Bansa

Dating BI chief hanga sa bagong anyo ng ahensiya

-

MANILA, Philippines - Pinuri ni dating Immigration Commissioner Andrea Domingo ang mga pagbabagong sinimulan sa Bureau of Immigration kasabay ng panawagan sa mga bagong immigration officers na bantayan at panatilihin ang bagong reputasyon ng BI bilang isa sa pinakaepektibong ahen­­siya ng gobyerno.

Sa graduation rites para sa 27 bagong immigration officers na ginawa sa BI main building noong Martes, sinabi ni Domingo, na ngayo’y general manager ng Philippine Estates Authority, na humanga siya sa pagbabago at pagpa­paganda sa ahensiya, kabilang ang tagumpay nito kontra red tape at corruption.

Ang operations center sa BI main office ang nagmomonitor sa aktibi­dad ng lahat ng tanggapan ng BI sa buong bansa.

Sa nasabi ring graduation rites, pinayuhan ni BI Commissioner Marcelino Libanan ang bagong gra­duates na maging mapag­bantay sa mga tukso ng katiwalian habang nasa trabaho dahil ang kamalian ng isang immigration officer ay lumilikha ng nega­tibong epekto sa bansa sa mata ng mga bumibisitang dayuhan.

Binalaan ni Libanan ang mga bagong immigration officers na hindi maita­tago ang anumang kama­lian dahil may mga naka­lagay nang monitoring systems sa mga paliparan.

vuukle comment

BINALAAN

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DOMINGO

IMMIGRATION

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

LIBANAN

PHILIPPINE ESTATES AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with