Illegal OFWs sa Oman may ultimatum
MANILA, Philippines - Binigyan ng isang buwang ultimatum ng pamahalang Oman ang mga overstaying foreign workers kabilang ang mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho nang walang kaukulang permit na umalis na sa nasabing bansa.
Sa kautusan ng Sultanate ng Oman, may hanggang Marso 31, 2010 ang mga overstaying OFWs na mag-avail ng kanilang amnesty program bago ang takda nilang paghuli sa mga illegal workers.
Pinaalalahan ng pamahalaan ng Oman ang mga opisyal ng embahada na iparating ang nasabing abiso hinggil sa amnestiya para sa kani-kanilang mga kababayang manggagawa na ilegal na nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Agad namang nakipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa Oman na nagbigay ng positibong resulta matapos na lumabas ang 16 overstaying OFWs at naghayag na magpaparehistro sa naturang amnesty program. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending