Gibo wala munang TV ads

MANILA, Philippines - Ipinatigil ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. ang kanyang TV ads hindi dahil sa kakapusan ng pondo kundi wala siyang nakikitang ads na babagay sa kanyang personalidad.

Sinabi ni Teodoro sa media sa kanyang sortie sa Pasay City at Paraña­que na mapili siya kaya hang­gang ngayon ay wala siyang lumalabas na TV ads.

Idinagdag pa ni Gibo, kapag may iniharap sa kanyang story board na ba­bagay sa kanyang per­sonalidad ay agad siyang maglalabas ng kanyang bagong political ads sa telebisyon.

Ang pinakahuling TV ads ni Teodoro ay ang “Lipad Gibo”.

“Gusto ko positive na catchy at ayokong pala-away,” wika pa ni Gibo sa gusto niyang concept ng susunod niyang TV poli­tical ad. (Rudy Andal)

Show comments