Payola sa BOC ikinabahala

MANILA, Philippines - Matapos mabunyag ang P20 milyong payola, nangangamba ngayon ang ilang opisyal ng Bureau of Customs, mga importers at brokers na baka sila ang ma­pagbuntunan ng galit dito.

Bunsod ng isyung nag­labasan sa ilang pahaya­gan, nanggagalaiti umano sa galit ang tinaguriang ‘batman-and-robin’ sa Adua­­na na sina alyas Niel G at Larry P na nagpa­paki­lalang kolektor diuma­no ng isang kilalang pu­litiko na ngayon ay tuma­takbong senador sa nala­lapit na Mayo 10.

Ayon sa source, nang­ga­galaiti diumano itong si Niel G matapos mabuny-ag ang kanilang kolek-syon at nagbanta na ipa­sisibak ang nagbigay ng impor­mas­yon hinggil sa kanilang payola. Nag-aalala diuma­no ang mga kinokolek­tahan ng dalawa na baka sila ang mapag­balingan nitong sina ‘bat­man-and-robin.

Batay sa impormas­yon, masyado na uma­nong nahihirapan ang ba­wat tinokahan ng dalawa dahil kailangan nilang ma­ibigay ang P20 milyones na gagamitin diumano    para sa kampanya. (Butch Quejada)

Show comments