^

Bansa

Condom ads pinapa-ban

-

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng isang kalatas ang maimpluwen­siyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na umaape­la para sa pagba-ban ng condom advertisements sa mga telebisyon, radio, pelikula, pahayagan, ma­gazine at mga pampubli­kong lugar.

Nakasaad sa kalatas ng CBCP, na nilagdaan ng pangulo nitong si Tandag Bishop Nereo Odchimar, dapat lamang na tuluyan nang ipagbawal ang mga condom ads dahil naka­kaapekto umano ito sa sensitibong kaisipan ng mga kabataan.

Hinikayat rin naman ng CBCP ang pamahalaan na atasan ang mga gumaga­wa ng condom na lagyan ng Government Warning, na “Condoms may fail to

protect from AIDS and other sexually transmitted diseases,”ang pakete ng kanilang produkto tulad ng ipinapatupad ng mga ito sa mga produktong tobacco (“Cigarette smoking is dangerous for your health”),

mga alcoholic beverages (“Drink moderately) at mga herbal medicine (“No therapeutic claims”).

Una nang uminit ang sigalot sa pagitan ng DOH at ng Simbahan matapos na magpamigay ng libreng condom ang ahensiya sa Dangwa noong Valentine’s Day. (Mer Layson)

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DANGWA

GOVERNMENT WARNING

HINIKAYAT

MER LAYSON

NAGPALABAS

NAKASAAD

TANDAG BISHOP NEREO ODCHIMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with