'Pagsuspinde sa peace talk mapanganib' - Abaya

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Presidential Adviser on Peace Process Secretary Anna­belle Abaya ang mga pulitiko na maghinay-hinay sa pag­papatigil sa usapang pang­kapaya­paan ng pama­halaan at ng Moro Islamic Liberation Front dahil magha­hatid ito ng mapa­nganib na mensahe sa buong bansa at sa international community.

Ginawa ni Abaya ang paaalala bilang tugon sa panawagan nina Sen. Noynoy Aquino, Sen. Rodolfo Biazon, Muntin­lupa Rep. Ruffy Biazon at ilang local officials na ipaubaya ang negosas­yong pangkapayapaan sa susunod na adminis­trasyon.

Tumatakbong se­nador si Drilon sa May national elections habang ang nakababatang Bia­zon ay target na palitan ang ama sa Upper Chamber.

Samantala, kasunod ng serye ng matagumpay na pagbisita sa ilang ba­hagi ng Mindanao, ipag­pa­patuloy ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process ang “Dialogue Mindanaw” program sa pagtungo sa Puerto Princesa, Pala­wan nga­yong Miyerkules.

Pinayuhan ni Abaya ang naturang mga pulitiko na mag-ingat at pag-isi­pang maigi at maging res­ponsable sa magiging negatibong resulta ng kanilang pahayag sa se­guridad ng bansa.

Sinabi ni Abaya na dapat bigyan ng karam­pa­tang pagtrato ang kapa­yapaan dahil layon ng gobyerno na pursigihin ang kapayapaan sa pa­ma­magitan ng pagtapat sa determinasyon ng MILF.

Show comments