MANILA, Philippines - Patuloy na lumalala ang karamdaman ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron, isa sa mga wanted na lider ng bandidong grupo sa lalawigan ng Sulu.
Batay sa intelligence report ay patuloy ang pagbagsak ng kalusugan ni Sahiron na putol ang kaliwang braso.
Mabagal na rin umanong kumilos si Sahiron dahil matanda na at pinalala pa ng karamdaman nitong diabetes.
Sa kasalukuyan ayon kay AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, tinatayang nasa 300 na lamang bandidong Abu ang target nilang lipulin sa Sulu at Basilan.
Nitong Pebrero 21 ay napatay sa isang engkuwentro si ASG Commander Albader Parad at lima nitong tauhan sa Maimbung, Sulu.
Bukod kay Sahiron kabilang pa sa mga lider ng Abu Sayyaf na target lipulin ng AFP troops ay sina Abu Jumdail alyas Doc Abu Pula, Isnilon Hapilon; pawang nakabase sa Sulu habang sa lalawigan ng Basilan ay ang grupo naman nina Furuji Indama. (Joy Cantos)