^

Bansa

Mahihirap mas apektado ng El Niño - Bro. Eddie

-

MANILA, Philippines - Katulad ng ibang kalamidad na tumatama sa bansa, ang mga mahihirap na mamamayan na naman umano ang makakaranas ng lupit ng El Niño phenomenon dahil na rin umano sa kawalan ng gobyerno ng kahandaan sa pagdating ng kalamidad na ito.

Ayon kay Bangon Pilipinas Party presidential candidate Bro. Eddie Villanueva, ang mga magsasaka, mangingisda at ang mga mahihirap ang direktang makakaramdam ng pinsalang dulot ng El Niño.

Ipinagtataka ni Villanueva kung saan napupunta ang pondo ng gobyerno na dapat sana’y inilalaan para sa mga maaapektuhan ng tagtuyot.

“Even nature joins us in exposing the Arroyo administration’s neglect of the poor,” sabi ni Villanueva.

Ang El Niño ay ang pagbabago ng climate pattern kung saan makakaranas ng matinding init na dala ng tag-tuyot.

Umaabot na umano sa P1.4 bilyon ang pinsala sa mga pananim sa bansa at inaasahang lulubha pa ito pagdating ng Abril.

Apektado na rin ma­ging ang mga hydropower plants sa Mindanao na nagresulta na ng malawakang brownouts.

Ang Department of  Agriculture ay maglalaan umano ng P1.7 bilyon para mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa bansa.

Pero ayon kay Villanueva, napatunayan na naman ang “disaster unpreparedness” ng gobyerno ngayong pumapasok na ang El Niño.

“El Niño now confirms Ondoy’s shocking expos last year: that the government is never really ready to respond to the urgent needs of the people,” sabi pa ni Villanueva. (Malou Escudero)

vuukle comment

ABRIL

ANG DEPARTMENT

ANG EL NI

APEKTADO

BANGON PILIPINAS PARTY

EDDIE VILLANUEVA

EL NI

MALOU ESCUDERO

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with