^

Bansa

Ping tiklo na?

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nahuli na umano sa Kuala Lumpur, Malaysia si Senator Panfilo “Ping” Lacson pero ayaw pa itong kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil nasa proseso pa sila ng beripikasyon.

Ani NBI-Interpol Division chief, Atty Claro de Castro, inaalam pa rin nila ang detalye hinggil sa pagkakaaresto ng apat na Filipino sa Kuala Lumpur na wala umanong kaukulang dokumento sa Immigration doon at ang isa dito ay katunog umano ng pangalan ni Lacson.

Sa ngayon ay wala pa rin umanong natatanggap na report ang Philippine Embassy sa Malaysia hinggil sa sinasabing pagkakadakip kay Lacson sa nasabing bansa.

Huling namonitor ang galaw ni Lacson nang uma­lis ito sa Macau noong Enery 28, 2010 patungo ng HongKong.

Kabilang na si Lacson sa Interpol Red Notice noong Pebrreo 11, 2010 at posibleng gumagalaw din ang counterparts na 188 na bansang miyembro nito para matunton ang senador.

Inaalam din ng NBI kung may mga kasamang kapamilya o kaibigan si Lacson.

“We believe that the senator will be found soon. It is just a matter of time. At least we know about his Jan. 18 and January 28 movements. We are still waiting information about his movement from the time he left Macau for Hong Kong on Jan. 28 and onwards,” anang opisyal ng NBI.

ATTY CLARO

HONG KONG

INTERPOL DIVISION

INTERPOL RED NOTICE

JAN

KUALA LUMPUR

LACSON

MACAU

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE EMBASSY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with