'Magsasaka tulungan sa El Niño' - Gibo
MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. ang pamahalaan na tulungan ang mga magsasakang lubhang naapektuhan ng El Niño para sa kanilang kabuhayan matapos silang mabiktima ng tagtuyot.
Sinabi ni Teodoro sa mga miyembro ng Jesus Christ, The Name Above Every Name na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy, na dapat ituloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng cash transfer at dapat bigyan din nito ang mga magsasaka na lubhang naapektuhan ng El Niño.
Binanggit pa niya na inaasahan ng gobyerno na aabot sa P10 bilyon ang mawawala sa agricultural products sa taong ito sanhi ng matinding epekto ng El Niño na ngayon pa lamang ay damang-dama na ng magsasaka.
Aniya, sa ngayon ay umaabot na sa P2 bilyon ang pinsala ng El Niño sa mga produktong agrikultura at inaasahan ng Department of Agriculture na aabot ito sa P8 bilyon hanggang sa P20 bilyong pinsala kapag tumagal hanggang Hunyo ang tagtuyot. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending