^

Bansa

'Brownout wa epek sa eleksyon' - Comelec

-

MANILA, Philippines - Hindi dapat na ikabahala ng publiko ang  umano’y power shortage o mga brownout sa panahon ng eleksiyon.

Ito naman ang  tiniyak ng Commission on Elections kasabay ng pagpawi sa pangambang magiging sanhi ng failure of elections kapag hindi naagapan ang power shortage o mga brownout sa Mindanao.

Magugunitang ito ang isa sa mga dahilan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa pagpapanukala ng emergency powers para kay Pangulong Gloria Arroyo upang maresolba ang aniya’y ‘actual power shortage’ sa kanyang lugar.

Sinabi naman ni Co­melec spokesman James Jimenez na sapat ang kanilang logistics para hindi maapektuhan ang halalan laban sa brown-out.

 Ayon kay Jimenez, pang-16 oras ang kani­lang mga baterya kaya sapat para gumana ang mga makina sa loob ng 11 oras na botohan.  

Bukod dito, sa mga canvassing areas, mayroon din silang 1,700 generators na gagamitin sa transmission sa oras na nagka-brown-out. (Doris M. Franche)

vuukle comment

AYON

BUKOD

DORIS M

FRANCHE

JAMES JIMENEZ

ORO REP

PANGULONG GLORIA ARROYO

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with