Landfill sa Laguna, ligal

MANILA, Philippines - Walang nilabag na batas ang sani­tary land­fill sa San Pedro, La­guna.

Ito ang binigyang-diin ni San Pedro, Laguna Mayor Calixto Cataquiz bilang reaksyon sa luma­bas na artikulo sa isang tabloid na illegal at ma­baho ang sani­tary land­­­fill sa nasa­­­bing ba­yan.

Ayon kay Mayor Cata­­quiz, may per­mit at le­gal ang pag­­­­­­­­­pa­­­patayo ng sani­­tary landfill at du­maan ito sa maayos na proseso.

Katunayan, nabigyan pa ng para­ngal ng Depar­tment of Envi­ronment and Natural Resources ang sanitary landfill dump­site facilities na matatagpuan sa barangay San Antonio.

Binigyan ng award ng DENR ang naturang land­fill dahil sa pag­­sunod nito sa panun­tunan sa kapa­ligiran o kalikasan.

Nilinaw din ni Mayor Cataquiz na malayo sa mga residente ang sani­tary landfill.

Duda si Mayor Cata­quiz na ang nagla­basang balita ay isa lamang black pro­paganda na layuning sirain ang ma­ganda ni­yang pama­­ma­lakad sa San Pedro, Laguna. 

Show comments