Landfill sa Laguna, ligal
MANILA, Philippines - Walang nilabag na batas ang sanitary landfill sa San Pedro, Laguna.
Ito ang binigyang-diin ni San Pedro, Laguna Mayor Calixto Cataquiz bilang reaksyon sa lumabas na artikulo sa isang tabloid na illegal at mabaho ang sanitary landfill sa nasabing bayan.
Ayon kay Mayor Cataquiz, may permit at legal ang pagpapatayo ng sanitary landfill at dumaan ito sa maayos na proseso.
Katunayan, nabigyan pa ng parangal ng Department of Environment and Natural Resources ang sanitary landfill dumpsite facilities na matatagpuan sa barangay San Antonio.
Binigyan ng award ng DENR ang naturang landfill dahil sa pagsunod nito sa panuntunan sa kapaligiran o kalikasan.
Nilinaw din ni Mayor Cataquiz na malayo sa mga residente ang sanitary landfill.
Duda si Mayor Cataquiz na ang naglabasang balita ay isa lamang black propaganda na layuning sirain ang maganda niyang pamamalakad sa San Pedro, Laguna.
- Latest
- Trending