Duterte pinasasagot
MANILA, Philippines - Marapat lamang na sagutin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung saan napunta ang nawawalang P3.3 bilyong asset o pondo ng pamahalaang-lunsod.
Ito ang reaksiyon ni dating Davao City Mayor Benjamin de Guzman na nagsabing sa panahon lamang ni Duterte nangyari ang kahalintulad ng kuwestiyonableng pagkawala ng mga ari-arian sa kanilang lunsod.
Ayon kay De Guzman, noong siya pa ang alkalde, pinangalagaan niya ang bawat sentimo at ari-arian ng lunsod kaya nagpahayag siya ng kalungkutan sa report ng Commission on Audit higgil sa nawawalang mga asset at pondo sa Davao.
Kumbinsido si De Guzman na marapat lamang na ipaliwanag ni Duterte kung saan nito dinala o kaya’y ginamit ang nasabing pondo.
Sinasabi sa report na nagsimulang hindi mai-account ang may P2.9 bilyong mga asset noon pang 2006 at unti-unting lumobo noong mga sumunod na taon na umabot sa P3.3 bilyon. (Mer Layson)
- Latest
- Trending