Per pulse billing sa cellphones pinatigil ng Court of Appeals
MANILA, Philippines - Ipinahinto ng Court of Appeals sa National Telecommunications Commission ang pagpapatupad ng “per-pulse billing system” sa mga mobile phones dahil labag ito sa karapatan ng mga telecommunication companies.
Sa tatlong pahinang resolution ng CA, 60-araw magiging epektibo ang nasabing kautusan kaya maaaring ipatupad muli ng mga telecommunication companies ang dati nilang billing rules.
Iginiit pa ng CA na mayroong “urgency” para ipahinto ang nasabing per-pulse billing hindi lang para pagbigyan ang mga telecommunication companies kundi para din sa publiko na umaasa lang sa serbisyo ng mga ito.
Unang hiniling ng Globe Telecom, Inc. at Innove Communications Inc. sa CA na pagbawalan ang NTC na ipatupad ang per pulse billing para sa mobile phone voice calls na ipinatupad noong Disyembre 6, kung saan ang mga tawag sa cellphone ng mga subscriber ay maari lamang ilagay sa kanilang bill base sa actual duration ng kanilang paggamit. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending