US 'di na tumatanggap ng aplikasyon ng WWII veterans
MANILA, Philippines - Umabot sa 36,000 Filipino Veterans ang humabol sa deadline ng paghahain ng aplikasyon para makakuha ng lump sum benefits.
Ayon kay Defense Undersecretary at Philippine Veterans Affair Office Administrator Ernesto Carolina, inihinto na ng Estados Unidos ang pagtanggap ng aplikasyon matapos ang isang taong palugit para makuha ng mga Pinoy Veterans ang nasabing benepisyo.
Aniya, 30% lang ang naaprubahan sa mga aplikasyon kaya lumalabas na mahigit $120 milyon ang na-reimburse na ng US Veterans Affairs Department.
Nilinaw din ni Carolina na ang mga lehitimong beterano lang na nakapirma sa application form ang maaaring makakuha ng US check na idedeliver sa bahay ng mga beterano.
Pinaalalahanan din ni Carolina ang mga kaanak ng mga beterano na sakaling namatay na ito at nakapag-file na at naaprubahan ang claim ay tanging ang asawa nito ang papayagang makakuha ng naturang tseke. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending