^

Bansa

P6 bawas sa LPG

-

MANILA, Philippines - Magbababa ngayong araw nang P6 ang presyo ng kada 11-kilong tangke ng liquefied petroleum gas ang LPG Marketers Association dahil sa pagbaba ng “contract price” sa internasyunal na merkado.

Sinabi ni LPGMA president Arnel Ty na epektibo ang rollback pagsapit ng alas-12:01 ng madaling araw ngayong Martes. Ito na ang ikatlong rollback ngayong buwan makaraang magbaba rin noong Pebrero 2 at 8.

Dahil sa muling pagbaba ng kanilang presyo, mas mura umano nang P50 hanggang P60 ang kanilang mga LPG kumpara sa mga ibinibenta ng mga malalaking kumpanya ng langis sa bansa.

Samantala, nagpatupad naman ng P1 rollback sa kanilang gasolina ang Seaoil dakong alas-12:01 kahapon ng madaling araw. Sinabi ng Seaoil na ito’y dahil sa pagbaba rin ng presyo ng gasolina sa world market. (Danilo Garcia)

ARNEL TY

DAHIL

DANILO GARCIA

MAGBABABA

MARKETERS ASSOCIATION

PEBRERO

SEAOIL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with