Tagumpay ni Gibo ipinagdasal ni Quiboloy

DAVAO CITY, Philippines - Ipinagdasal ni Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Jesus Christ, the Name Above Every Name, ang pagwawagi ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. sa darating na May 2010 elections.

“Let your blessings be upon him (Teodoro) as he fulfills his desire to serve the Philippines and its people,” wika pa ni Pastor Quiboloy ng dumalaw si Teodoro sa prayer mountain nito sa barangay Tamayong, Calinan ng lungsod na ito.

Humingi din ang maimpluwensiyang religious leader na si Quiboloy na may 6 milyong followers, ng divine guidance, wisdom and understanding” para kay Gibo sa sandaling ito ang manalong presidente.

Nilinaw din ni Quiboloy na ang pagdarasal para kay Gibo ay hindi nangangahulugan na ineendorso na niya ito subalit darating ang oras para dito.

Inamin din ng religious leader na habang nakikilala niya ang administration bet ay lalo niyang naqugustuhan ang pinaka-batang kandidato sa presidential race. (Rudy Andal/Joy Cantos)

Show comments