Lacson nasa China!
MANILA, Philippines - Ibinunyag ng isang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na namataan sa China si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na sakay ng isang kotse noong Enero 18.
Nabatid nila na si Lacson na may Philippine passport na DP0001469 ay umalis ng Zhuhai City, Guangdong Province, China noong Enero 18 at nagtungo umano sa Macau.
Nilinaw naman ng NBI na noong petsang iyon ay wala pa sa Interpol Red Notice si Lacson at hindi pa rin iniisyu ng Manila RTC Branch 18 ang warrant of arrest.
“At that time (Jan. 18), there was no warrant of arrest issued against him and is not yet in the Interpol’s Red Notice. He can freely travel at that time,” ayon sa opisyal ng NBI.
Nitong Huwebes lamang nakumpirma ang pagkakatala sa pangalan ni Lacson sa Red Notice.
Ayon naman kay Atty Claro de Castro, Hepe ng NBI-Interpol, inaantabayan na rin nila ang iba pang pagkilos na gagawin ng kanilang counterparts sa Interpol. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending