^

Bansa

District 1 magkakaboses na

-

MANILA, Philippines - Magkakaboses sa Kongreso ang mga resi­dente ng District 1 ng Quezon City matapos na pa­yagan ng Commission on Elections na ku­mandidatong kongresista rito ang negosyanteng si Viviene Tan na anak   ni taipan magnate Lucio Tan.

Sinabi ni Tan sa isang pulong-balitaan sa Quezon City na wala nang hadlang pa para mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga residente rito dahil sa pagdismis ng Comelec sa disqualification case na naisampa ni Congressman Bingbong Crisologo laban sa kanya.

Una nang nadismis ng Quezon City Regional Trial Court ang ganitong uri ng kaso na naisampa ni Crisologo matapos mapatunayang isang natural born    citizen si Tan at registered voter ng naturang distrito.

Sinabi ni Tan na bagamat siya ay nagseser­bisyo na sa mga taga Quezon City bilang kina­tawan sa pribadong sektor, mas gusto niyang palawakin pa ang serbisyo kapag napunta na sa Kongreso.

“Nakita ko na walang boses sa Kongreso    ang mga taga district 1 sa nakalipas na anim na taon, ngayon gagawin natin yan “pahayag ni Tan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

COMELEC

CONGRESSMAN BINGBONG CRISOLOGO

KONGRESO

LUCIO TAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SINABI

VIVIENE TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with