Joy B aayuda sa mga may sakit na kanser

MANILA, Philippines - Isang programa para sa mga taong may sakit na kanser ang takdang pangasiwaan ni Quezon City Vice Mayoralty candidate Joy Belmonte sa susunod na buwan.

Kasunod ito ng pagkakahirang kay Belmonte bilang honorary chairman ng Relay for Life.

Kabalikat ang Cancer Society sa programa na gaganapin sa Marso 13-14.

Sinabi ni Belmonte na ang naturang okasyon ay katatampukan ng mga paglalakad sa loob ng Amoranto stadium at mga patest.

Ang mga may sakit sa kanser ang benepis­yaryo ng proyektong ito. (Angie dela Cruz)

Show comments