^

Bansa

Mga artista pinagbabakasyon na ng Comelec

- Nina Doris Franche at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Ipapaaresto at maku­kulong ng hanggang anim na taon ang mga artistang magpapatuloy sa kanilang mga shows habang na­nga­ngampanya sa kani-kanilang mga kandidato para sa nalalapit na elek­siyon.

Binalaan din ng Commission on Elections ma­ging ang mga istasyon ng telebisyon at radyo na ta­tanggalan ng prangkisa kung patuloy na papa­yagan ng mga ito ang ka­nilang artista sa pagpo­promote.

Dahil dito, umapela si Comelec-Law Department chief Atty. Ferdinand Rafa­nan sa mga employers ng mga nasabing artista na pagbakasyunin muna ang kanilang mga talent ha­bang panahon ng kam­panya.

Hinikayat din nito ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pormal nang ireklamo sa Comelec ang mga artistang may political endorsement pero nagso-show pa rin.

Ang kautusan sa ilalim ng Fair Elections Act 9006 ay nakatakdang ipatupad sa susunod na linggo at nakasaad dito na dapat munang mag-leave ang sinumang columnist, commentator, announcer, reporter, on-air correspondent o personality na kan­didato at campaign volunteer habang umiiral ang campaign period.

Sa Pebrero 16 ay susulatan na ng PPCRV ang mga istasyon ng tele­bisyon, radyo at peryodiko para ipaalala ang isina­saad ng Fair Elections Act.

Magugunitang si Liberal Party standard bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino ay inieendorso ng mga artistang sina Vilma Santos, Kris Aquino, Boy Abunda, Sharon Cuneta, Ai-Ai delas Alas, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ogie Alcasid, Regine Ve­las­quez, Anne Curtis, Erik Santos, Bea Alonzo, Gret­chen Barretto, Mariel Rodriguez, Sitti, Pooh, Kim Chiu, Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Habang si Nacionalista Party presidential bet Senator Manny Villar ay si­nusuportahan nina Dolphy, Sarah Geronimo, Michael V., Willie Revillame, at Ray­mond Gutierrez.

Pormal na nagsimula ang campaign period noong Pebrero 9 at magtatapos sa Mayo 8. Ang mga local candidates ay maaaring mag­ simulang mangampanya sa Marso 26 pa.

ALJUR ABRENICA

ANNE CURTIS

BEA ALONZO

BOY ABUNDA

COMELEC-LAW DEPARTMENT

DINGDONG DANTES

ERIK SANTOS

FAIR ELECTIONS ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with