^

Bansa

Baywalk bubuhayin ni Atienza

-

MANILA, Philippines - Bubuhayin ni dating De­partment of Environ­ment and Natural Re­sources Secretary Lito Atienza ang Baywalk sa Roxas Boulevard sakaling muli siyang mahalal na alkalde sa Maynila.

Tiniyak ni Atienza na, sa kanyang pagbabalik sa Manila City Hall, isang ma­ ayos, malinis at kaakit-akit na Baywalk ang kan­yang ihahandog sa mga Mani­leño bilang bahagi pa rin ng kanyang progra­mang “Bu­hayin ang Maynila”.

Sinabi ng dating al­kal­de na hindi totoong du­mumi ang kahabaan ng Roxas Boulevard pati na ang tubig sa Manila Bay nang itayo ang Baywalk.       

“Noon pa man ay ma­higpit na nating ipinatu­tupad ang proper waste disposal sa mga taong namamasyal sa lugar at pati na rin sa mga may-ari ng establisimiyento na umokupa sa Baywalk,” ayon kay Atienza.

Lalo anyang magiging maayos at malinis ang kahabaan ng Baywalk sa­pagkat ang lahat ng mga epektibong pamamaraan na ipinatupad ng DENR ay tiyak na gagamitin sa Bay­walk partikular ang proper waste management at pag­lalagay ng waste water treatment facilities upang hindi makaragdag ng dumi ang mga establi­si­miyento sa karagatan ng Manila Bay. (Gemma Garcia)

vuukle comment

ATIENZA

BAYWALK

GEMMA GARCIA

MANILA BAY

MANILA CITY HALL

MAYNILA

NATURAL RE

ROXAS BOULEVARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with