^

Bansa

Mock elections ng Comelec kasado ngayon

-

MANILA, Philippines - Kasado na ang idaraos na mock elections ng Com­mission on Elections sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon kay Comelec Com­missioner Gregorio Larrazabal, sisimulan ito dakong 7:00 ng umaga at matatapos ng 6:00 ng gabi, tulad din ng aktuwal na botohan sa Mayo 10.

Layunin ng naturang aktibidad na masubukang muli ang kakayahan ng mga precinct count optical scan (PCOS) na gagamitin sa automated elections.

Tinatayang aabot sa 6,909 registered voters mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang makaka­lahok.

Sa Metro Manila, isa­sa­gawa ang mock elect­ions sa New Era Elem. School sa Quezon City; Maharlika Elem. School at Gen. Ricardo Papa Memorial High School sa Taguig City.

Samantala, nilinaw ni Larrazabal na magkaiba ang mock elections kum­para sa field test na una na nilang isinagawa noong Enero.

Ang field test ay naka­tutok lamang sa trans­mission habang ang mock elections naman ay tututok sa buong proseso ng halalan mula sa pagboto, scanning ng mga balota sa poll machine para sa pagbilang, pag-imprenta ng election results (ERs), electronic transmission ng resulta ng boto patungo sa canvassers at servers hang­gang sa automated canvassing ng resulta ng halalan. (Mer Layson)

COMELEC COM

GREGORIO LARRAZABAL

MAHARLIKA ELEM

MER LAYSON

NEW ERA ELEM

QUEZON CITY

RICARDO PAPA MEMORIAL HIGH SCHOOL

SA METRO MANILA

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with