^

Bansa

Arrest warrant inilabas ng korte: Lacson pugante na!

- Nina Doris Franche, Gemma Garcia at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Isa ng pugante si Senador Panfilo Lacson matapos na magpalabas ng arrest warrant ang Manila Regional Trial Court kaugnay sa pagkakasangkot nito sa Dacer-Corbito double murder case.

Agad na inatasan ni Justice Secretary Agnes Devanadera ang National Bureau of Investigation na isilbi kay Lacson ang nasabing arrest warrant dahil maituturing na itong pugante at nagtatago sa batas. Aniya, tapos na ang pagiging turista ni Lacson kaya maaari na itong dakpin.

Isusulong din ng Department of Justice ang extradition treaty kung hindi na babalik sa bansa matapos na magtungo sa Hongkong.

Hindi rin magagamit ni Lacson ang kanyang immunity dahil ang kasong kinasasangkutan nito ay may katapat na anim na taong pagkabilanggo.

Nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Interpol upang matukoy ang eksaktong kinaroroonan ni Lacson na posible ring nasa China o Taiwan dahil madalas itong nagtutungo dito.

Unang nagpalabas ng arrest warrant si Manila RTC Judge Myra Garcia-Fernandez laban kay Lacson dahil sa mabigat na ebidensiya na nag-uugnay sa kanya sa pagdukot at pagpatay kina Dacer at Corbito noong November 2000.

Ang nasabing kaso ay isinulong ng prosecution matapos na maghain ng reklamo ang mga anak ni Dacer na sina Carina Lim, Sabina Reyes, Emily Hungerford at Amparo Henson at sa affidavit naman ni dating Senior Supt. Cesar Mancao noong Pebrero 2009.

Ibinatay ng korte ang desisyon nito sa mga isinumiteng testimonya nina Mancao, dating Superintendent Glenn Dumlao, Willy Cabugin, William Lopez at Alex Diloy kung saan sinabi ng mga ito na si Lacson ang utak sa pagpapadukot at pagsunog sa katawan nina Dacer at Corbito.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Alex Poblador, abogado ni Lacson, na magsusumite sila ng motion for reconsideration sa oras na matanggap ang kopya ng nasabing warrant para maiakyat sa mas mataas na korte ang usapin. Nilinaw pa ni Poblador na hindi pugante si Lacson dahil wala naman arrest warrant laban sa kanya noong umalis ito ng Pilipinas.

Nangako naman si Senate President Juan Ponce Enrile na hindi haharangin ng Senado ang pag-aresto laban kay Lacson at patuloy na igagalang ang kautusan ng korte. Ngunit hindi rin nito paaalisan ng budget ang opisina ni Lacson.

ALEX DILOY

ALEX POBLADOR

AMPARO HENSON

CARINA LIM

CESAR MANCAO

CORBITO

DACER

DEPARTMENT OF JUSTICE

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with